Other Aklan's Culture

Aklan's Chicken Inubaran - (Ubad)

 

               Ang manok ay ang pangunahing poultry dish sa ating bansa. Ang pagkalat ng recipes sa mga restaurant at sa ating mga bahay ay halimbawa lamang ng pagkahilig natin dito. Pinoy delicacies is the creativity in indigenous cooking. Kaya't kapag ikaw ay nagkaroon ng pagkakataon lumakbay sa iba't - ibang probinsya sa ating bansa, ay mayroon itong kanya-kanyang pinagmamalaking lutuin na tumatatak kahit sa mga puso ng mga dahuyan.

               Sa kanlurang bahagi ng rehiyon ng Visayas matatagpuan ang pinakamatandang probinsya dito, ang Aklan. Hindi lang mayaman ang probinsya ng Aklan sa mga magagandang tanawin. Ito ay kilala rin dahil sa kanilang sumptuous cookery. At ang isa sa mga pinakasikat ay ang "Chicken Inubaran" (chicken with banana pith) o mas kilala sa mga aklanon "Ubad". It is a chicken dish cooked with coconut milk and slices of banana pith. Chicken Inubaran is preferably cooked with native chicken as it gives the dish its real authentic taste.Ito ay niluluto sa isang crock pot sa loob ng anim hanggang walong oras. 

              Ayon sa aming kagrupo, ang ng creamy soup nito kasabay ng mainit na kanin ay talaga  namang napakasarap. Ang kagrupo rin naming ito ang syang aming naging inspirasyon upang gawin ang blog na ito. 


Henna Tattoing

 

              Sabi ng aming kagrupo na sa kanyang palagay ang "Henna Tattoing" ay unang nakilala sa probinsya ng Aklan. Syempre ikaw daw ay hindi isang tunay na aklanon kung hindi mo ito nasubukan. Sa kabila nito ay hindi pa rin daw niya ito nasusubukan dahil ito ay bawal sa kanilang paaralan.

             Ngayon ay sikat na rin ito sa iba' - ibang lugar sa ating bansa. Lalong lalo na sa isla ng Boracay. Isa ito sa pangunahing pinagkakakitaan ng henna tattoo artist dito. Sa namin isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagpupunta ang mga dayuhang turista sa Boracay. At yan ay bahagi ng napakayamang kultura ng probinsya ng Aklan.



No comments:

Post a Comment