About

Way Back To Aklan



               Napakapalad natin lahat dahil tayo ay nakatira at dito isinilang sa bansang Pilipinas. Kaya naming sabihin na ang Pilipinas ang pinaka-pinagpala dahil sa sobrang ganda ng ating kapaligiran. Napakaraming mga magagandang lugar na maaaring makita sa ating bansa. Nandyan ang pinagmamalaking Puerto Princesa Subterranean River National Park, Taal Volcano, of “A Lake within a Volcano within a Lake Within an Island” fame, at siyempre ang pinakamagandang beach sa buong mundo ang Boracay.

             Ngunit napakarami pa ring napakagandang lugar dito sa ating bansa ang hindi pa kilala ng marami. Ito ay mga lugar na kayang pantayan o higitan pa ang ganda ng mga sikat na lugar dito sa ating bansa. Tulad na lang ng probinsya ng Aklan. Kapag naririnig natin ang salitang Aklan ay ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang Boracay. Subalit mayroon pa ring nakatagong ganda ang lalawigan ng Aklan. 

          
     
                 
               Ang isa lang sa mga ito ay ang kung tawagin sa Aklan ay "Hurum-Hurum". Ito ay isang parang bukal na ang tubig ay nanggagaling sa bundok. Napakalinis ng tubig dito, sa katunayan ay ligtas itong inumin. Hindi pa ito gaanong pinupuntahan ng ibang tao, Ngunit sa natatangi nitong kagandahan ay siguradong mabubuksan ang isip ng ating mga kababayan maging pati na rin sa ibang lahi tungkol sa mala-paraisong ganda ng Aklan. 

              Ang blog na ito ay aming ginawa upang hikayatin ang Pilipino na puntahan at tuklasin ang napakarami pang natatagong yaman ng lalawigan ng Aklan.


 

No comments:

Post a Comment